
MANILA, Philippines – Lubos na ikinatuwa ni Senador Mark A. Villar ang matagumpay na implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), kasunod ng mga naitalang pag-aresto at pag-hatol patunay na epektibong naipapatupad ang batas laban sa online financial crimes at sa pagprotekta sa mga mamimiling Pilipino.
“Bilang Principal Sponsor and Author ng AFASA Law, ikinagagalak ko na nakikita na natin ang konkretong resulta—mas maraming naaaresto, mas maraming matibay ang case-build up ng prosekyuson, at nagkakaroon ng aktwal na mga hatol,” ani Villar.






