Home NATIONWIDE Senate candidate kay Escudero: Impeachment vs Sara ‘wag gamitin para maging sunod...

Senate candidate kay Escudero: Impeachment vs Sara ‘wag gamitin para maging sunod na VP

MANILA, Philippines – Nagbabala si senatorial candidate David D’Angelo kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na huwag gamitin ang impeachment court bilang “bargaining process” para makuha ang posisyon ng bise presidente sakaling matanggal si Vice President Sara Duterte sa puwesto.

Binanggit ni D’Angelo ang mandato ng 1987 Constitution na kailangang simulan ang impeachment proceedings “forthwith” o sa loob ng 24 oras matapos matanggap ng Senado ang kaso.

Aniya, anumang pagkaantala ay maaaring gamitin ng kampo ni Duterte bilang depensa para mapawalang-bisa ang proseso.

Idiniin din ni D’Angelo na ang impeachment court ang tanging paraan para mapatunayan ni Duterte ang kanyang pagiging inosente dahil sa immunity nito sa mga kaso habang nasa puwesto.

Umaasa si D’Angelo na hindi gagamitin ni Escudero ang sitwasyon para sa kanyang sariling ambisyon sa politika. Hinimok din niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng special session sa Senado para mapabilis ang proseso ng impeachment. RNT