MANILA, Philippines – ITUTULOY na ng Estados Unidos ang foreign aid na USD336 million para sa modernisasyon ng Philippine security forces.
Ang Reuters, sa isang ekslusibo na may petsang Feb. 22, sinabi na ang specific assistance ay kabilang sa USD5.3 billion na ipinatigil na foreign aid na ipinalabas ng administrasyong Trump.
Malugod namang tinanggap ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang development na ito subalit hindi pa makumpirma kung pormal na ipaalam na ito sa Maynila.
“We are pleased with this development. Another significant sign that our strong partnership and alliance with the United States remains intact,” ang sinabi nito sa Philippine News agency (PNA).
Tinukoy ang mga nakalap na dokumento, sinabi ng Reuters na ang ‘exemptions’ ay ginawa bago pa ipag-utos ni US District Judge Amir Ali noong Feb. 13 sa administrasyong Trump na pansamantalang bawiin ang pagpapatigil sa pagkakaloob ng pondo sa mga programa na ipinatupad ‘as of Jan. 19.’
Samantala, noong nakaraang taon, kapuwa inanunsyo nina dating US Defense secretary Lloyd Austin III at State secretary Antony Blinken ang pagkakaloob ng tulong nagkakahalaga ng USD500 million para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard. Kris Jose