Home NATIONWIDE Senate Committee on Sports hearing pinangunahan ni Go

Senate Committee on Sports hearing pinangunahan ni Go

288
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senator Bong Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, ang unang pampublikong pagdinig ng komite noong Lunes, Setyembre 15, 2025.

Tinalakay ng komite ang mga panukalang hakbang na naglalayong pag-isahin ang mga programa sa sports ng bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang komprehensibong programa na nag-uugnay mula sa pagpapalaganap sa antas ng komunidad hanggang sa pagpapalakas ng mga piling atleta.

Kasama rin sa tinalakay ang mga panukalang amyenda sa National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act (Republic Act No. 10699) upang tuluyang ibukod sa buwis ang lahat ng insentibo at benepisyo na iginagawad sa mga pambansang atleta at coach na nananalo sa mga internasyonal na kumpetisyon sa sports. —Cesar Morales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here