Home NATIONWIDE Senate probe sa flood control mess tuloy kahit may independent commission –...

Senate probe sa flood control mess tuloy kahit may independent commission – Lacson

353
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na itutuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa korapsyon sa mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kahit na bumuo ang Malacañang ng Independent Commission para sa parehong isyu.

Binigyang-diin ni Lacson na mananatili siyang may “blindfold mentality” sa pagdinig, at dapat “nakabatay sa ebidensya at hindi magtatakip kanino man—kahit pa mambabatas o empleyado.”

Tinukoy niya ang P355-milyong insertion sa 2025 budget na nagpapakita ng pangangailangan na tukuyin kung sino ang mga nagpasok ng amendments sa proseso ng badyet. “The committee’s ongoing inquiry is in aid of legislation and does not intend to target any senator or congressman, particularly Sen. Jinggoy Estrada,” ani Lacson.

Dagdag pa niya, hindi magbabanggaan kundi magtutulungan ang Senado at ang Independent Commission: “We can provide it with the evidence it needs to prosecute those involved, and also ask it for records needed in our legislative work.”

Gaganapin ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon sa Setyembre 18. Kabilang sa mga ipapatawag sina Mina Jose ng WJ Construction na nasangkot umano sa suhol; Beng Ramos, dating staff ng komite na dawit sa delivery ng pondo; DPWH Undersecretary Catalina Cabral ukol sa mensahe hinggil sa maagang insertions sa 2026 budget; ang tinaguriang “BGC Boys” na sinasabing nagsusugal gamit ang pera ng bayan; ang mag-asawang Discaya; at mga opisyal ng Department of Budget and Management. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here