Home NATIONWIDE Senate probe vs Alice Guo bilang Chinese spy ‘di grandstanding – Bato

Senate probe vs Alice Guo bilang Chinese spy ‘di grandstanding – Bato

MANILA, Philippines- Matinding pinalagan ng isang mambabatas na kalahok ang paratang na “grandstanding” lamang ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado laban Guo Huang Ping, o alyas Alice Guo hinggil sa operasyon ng illegal POGO sa bansa at pagiging lehitimong espiya ng China sa Pilipinas.

Sa paggamit ng dokumentaryo ng Al Jazeera, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ipinakikita nito ang pagiging Chinese spy ni Alice Guo na nagpapatunay na hindi lamang grandstanding ang imbestigasyon taliwas sa ipinamamalita ng ilan ukol sa Senado.

Kasalukuyang itinuloy ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang imbestigasyon laban kay Alice Guo kahit pa pinabubulaanan ng pinatalsik na alkalde ang paratang na pagiging spy ng China.

“Maraming nagsasabi na, ah grandstanding lang ‘yan ng mga senador, gusto lang nila koberan ‘yung mga problema ng Pilipinas ngayon kaya diyan sila naka-focus kay Alice Guo,” aniya.

“Pero lately… madam chair, with that Al Jazeera report ay na recognize natin na talagang hindi ito basta-basta na hearing na balewalain lang natin,” giit ni Dela Rosa.

Ginamit sa dokumentaryo ng Al Jazeera ang Chinese businessman She Zhijiang, na umamin na isa itong Chinese spy.

Iniulat ng dokumentaryo ang encrypted files na iniwan ni She kabilang ang isang dossier ng Guo, na pawang Guo Hua Ping sa tunay na pangalan. Inihayag din ng dokumentaryo na pawang dedekadong espiya silang dalawa ni Guo sa Ministry of State Security ng China.

Samantala, umaasa si Dela Rosa na ilalantad ni Guo ang buong katotohanan sa gagawing Senate executive session, na makatutulong sa kanya nang matindi.

“Dahil mas matanda tayo sa kanya, batang-bata pa siya. Kahit na sabihin mong seasoned na seasoned o well trained siya or ‘yung pagka train niya as a spy ay talagang magandang foundation, still you cannot break our experience,” ayon kay Dela Rosa.

“Kaya, I hope that you will declare everything during our executive session,” giit niya. Ernie Reyes