MANILA, Philippines- Napauwi na sa Pilipinas ang anim na Pilipinong seafarers sa Türkiye matapos mapawalang-sala sa drug charges ng Turkish court, batay sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sinabi ng DFA na pinangasiwaan nito ang pagbabalik ng anim na Pilipino, na halos 11 buwang nakulong matapos masita ang Panamanian-flagged cargo vessel ng mga ito habang nakadaong sa isang pantalan sa Turkish city ng Zonguldak noong Oktubre 2023.
Agad na pinauwi ang mga Pilipino matapos silang ipawalang-sala ng Ereğli Criminal Court noong Setyembre 16.
“We are very happy that the Court declared the Filipinos innocent of the charges and that they have been released in time to spend Christmas with their families back home,” pahayag ni Philippine Ambassador to Türkiye Henry Bensurto.
Sa pamamagitan ng Legal Assistance Fund (LAF) ng DFA, kumuha ang Philippine embassy ng abogado upang maging kinatawan ng mga ito at tiyaking protektado ang kanilang karapatan dahil mayroong due process.
“Together with the embassy-hired lawyers and lawyers provided by the insurance company of the manning agency, embassy representatives attended all three court hearings in June, July, and September 2024,” pahayag ng DFA.
Sa kanyang official visit sa Türkiye noong Hunyo 2024, binisita ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega ang seafarers sa detensyon upang suriin ang kanilang kalagayan.
Nakipagpulong din si De Vega also sa kanyang counterpart mula sa Turkish Ministry of Foreign Affairs at sa penitentiary authorities upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Türkiye. RNT/SA