MANILA, Philippines- Ang nakikitang kaguluhan sa Senado at Kongreso ang isa sa mga dahilang nag-udyok kay Willie Revillame na tumakbo bilang senador sa darating na May 12, 2025 elections sa bansa.
Ayon kay Revillame na kilalang aktor at TV show host ng Wowowin, naghain ito ng certificate of candidacy bilang independent candidate at walang nag-endorso o nag-udyok na tumakbo ito sa politika.
Maalala na noong nagdaang halalan, tinangggihan ni Revillame ang pagtakbo sa politika ngunit dahil sa nakikitang magulong sitwasyon sa bansa lalo na sa Senado at Kongreso, nagpasya itong tumakbo para sa taumbayan.
Aniya, ang isang senador, bilang public servant, ay mayroon dapat mabuting puso para sa mga mahihirap na mamamayan.
Sa dami aniya ng batas na ginawa at dumaang senador ay hindi pa rin nababago ang buhay ng mga mahihirap.
Samantala, bilang host ng kanyang TV show, sinabi ni Revillame na maAari pa naman aniya nitong ipagpatuloy ang pagho-host hanggang Pebrero 10 dahil magsisimula ang campaign period sa Pebrero 11 pa, ayon na rin Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden