Home METRO Senior dedo sa tandem

Senior dedo sa tandem

MANILA, Philippines- Isang 61-anyos na tricycle driver ang namatay nang pagbabarilin habang nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal sa Brgy. Paliparan 3, Dasmarinas City, Cavite.

Sa report, kinilala ng biktima na si Efren Honor, 61, residente ng Perey 92, ng nasabing lugar na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Base sa imbestigasyon, alas-8:40 kamakalawa ng gabi, habang nakatayo ang biktima at nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal ng naturang barangay ay nilapitan siya ng mga suspek at pinagbabaril.

Pinaghahanap naman sng dalawang suspek na nakasuot ng kulay itim na kapote, itim na bonnet at lulan ng isang kulay itim na Honda Wave na walang plaka na tumakas matapos ang pamamaril. Margie Bautista