ILOCOS NORTE, Philippines – Isinugod sa ospital ang isang 61-anyos na lalaki matapos mabangga ng kotse habang nagbibiseklita sa Laoag Suba-Paoay Road sa Brgy. 48-B, Cabungaan, Laoag City ng lalawigang ito nitong Linggo ng gabi, Agosto 23.
Ayon sa Laoag City Police Station, ang lolong nagbibiseklita ay residente ng Laoag City samantalang ang 35-anyos na driver ng kotse ay residente ng Tagudin, Ilocos Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang kotse ay bumibiyahe papuntang timog samantalang ang nakabiseklitang lolo ay nasa left side ng kalsada at tumatawid papuntang kanluran.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang kaliwang harapan na bahagi ng kotse ay bumangga sa nagbibiseklitang lolo.
Dahil sa impak, natumba sa kalsada ang nagbibiseklitang lolo at nagkaroon ng mga sugat.
Agad na isinugod sa ospital ang matanda para sa agarang lunas sa kanyang mga sugat. Rolando S. Gamoso