
CAVITE, Philippines – Sa hot pursuit operation ng pulisya, dalawang holdaper ang naaresto makaraang arangin at holdapin ng mga ito isang motorista sa kahabaan ng Mayors Drive Brgy Santiago, General Trias, Cavite.
Ayon sa report ,Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Khan” at “Romy,” kapwa residente ng nasabing lugar.
Sa ulat isinagawang imbestigasyon ng pulisya, habang tinitingnan ng biktimang si alyas “Reigh” ang kanyang sasakyan nakaparada sa gilid ng kalsada ng biglang dumating ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo.
Dito na lumapit sa biktima ang isa sa suspek at naglabas ng baril kasabay ng pagdeklara ng holdap kasunod ng sapilitang kinuha ang mga gamit.
Kabilang sa natangay ang MacBook laptop, iPhone 13, susi ng Toyota Wigo, hard drive at Seiko wristwatch na tinatayang nagkakahalaga ng ₱76,000.
Kaagad na nakahingi ng tulong ang biktima sa pulisya at ibinigay ang pagkakakilan lan ng mga suspek at motorsiklo na gamit ng mga ito.
Sa tulong ng tracking feature ng cellphone ng biktima natunton ng kinaroroonan ng mga suspek sa Pabahay 2000 Tropical Village.na naging resulta ng pag kakaaresto sa mga ito.
Narekober sa mga suspek ang mga ninakaw na MacBook laptop, iPhone 13 at susi ng Toyota Wigo, gayundin ang dalawang helmet na umano’y ginamit sa krimen at ang isang itim na Rusi motorcycle na ginamit na getaway vehicle.
Nakuhanan naman ng isang Colt Combat Commander caliber .45 pistol, dalawang magazine at walong bala si alyas khan.
Pinuri naman ng PLTCOL Archimedes L. Baking, hepe ng General Trias City Police Station, ang mabilis na responde ng kanyang mga tauhan sa nangyaring insidente.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasong robbery. MARGIE BAUTISTA