Home ENTERTAINMENT Dina Bonnevie, nag-throwback sa rejection!

Dina Bonnevie, nag-throwback sa rejection!

1
0

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng kanyang vlog, sinariwa ni Dina Bonnevie ang naging healing journey niya matapos silang maghiwalay noon ni Vic Sotto.

Walang binanggit na pangalan ang  aktres sa kanyang vlog ngunit halos lahat ng nakapanood nito ay nagsabing ang married life nila noon ni Vic ang kanyang tinutukoy.

Simulang pagbabalik-tanaw ni Dina, “I’ve been through a lot of rejections, ayan, kapag sa love life, ayan…yung talagang mga masasakit na heartbreak na kulang na lang gusto mo nang tumalon sa bintana.”

Tanong ni Miss D sa kanyang followers, kailan ba dapat mag-let go sa isang relasyon?

“In my experience, masakit man sabihin, pero when I decided na, ‘No, I’m not going to take this sitting down. Ayoko na. Aalis na ako, maghihiwalay na kami,’ kasi, kumbaga, ilang beses mo nang tinray, tinray, tinray pero wala talaga.

“It was painful, it was a big blow on me. Tapos, siyempre, ‘yung self-confidence ko parang, ‘Saan ako mali? Pangit ba ako? Tanga ba ako? Hindi ba ako maganda? Hindi ba ako masarap magluto? Bakit?’

“But then, dahil din doon mas naging matatag ako, naging stronger person ako, naging mapagpursige ako,” pagbabahagi pa ni Dina.

Kasunod ng breakup nila ni Bossing Vic, mas natuto raw siyang magdasal at kumapit sa kanyang faith, “Aside from depending on myself, I learned to count on God. Para bang, ‘God, you know the design for my life. You know what you have planned for me…’

“Parang I’m not going to stop there. ‘Di porke’t single parent ako, meron akong dalawang maliliit na bata, e, parang this is the end of me. No, tuloy pa rin ako,” aniya pa.

Sey pa ni Dina, kung hindi raw siya naging matatag at matapang nu’ng mga panahong ‘yun ay baka wala na raw nangyari sa kanyang life. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here