Manila, Philippines – Inurot ng kibitzers si Vice Ganda na tapatan ang bio ng Hollywood actress na si Anne Hathaway.
Sa kanya kasing Instagram account ay nakalista sa profile ni Hathaway ang current at upcoming projects kasama na ang blockbuster hits na “The Devil Wears Prada 2” at “The Odyssey.”
Ang dating nito ay ipinakikita kung gaano ka-in demand at ka-busy ang aktres.
May nagbuyo naman kay Meme na ilista rin nito ang kanyang current at upcoming projects tulad ng GGV at MMFF movie at huwag magpakabog kay Anne.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Ang lagay si Anne Hathaway lang ba ang busy?”
“Pakakabog ba si Meme. Ilatag na ang GGV at MMFF movie with Bossing.”
“Paldo si Vice. Inikot na lahat ng big networks.”
Matatandaang kamakailan lang ay naging
usapan ang meme kay Hathaway nang
magbiro si Khalil Ramos sa kanyang FB, Instagram at X social media accounts.
Ginaya kasi nito si Anne at inilista ang kanyang sunod-sunod na projects sa kanyang bio na ibinahagi niya thru screenshot.
May pasintabi pa itong caption: “O sorry, Anne Hathaway” na ikinaaliw ng kafaneyan. Archie Liao