Home NATIONWIDE Sentensya ni Sarah Discaya maaaring mas mapababa sa kusang pagsuko sa NBI...

Sentensya ni Sarah Discaya maaaring mas mapababa sa kusang pagsuko sa NBI – DOJ

253
0

MANILA, Philippines – Maaaring ituring na paraan para mapababa ang sentensya o mabawasan ang pananagutan ni Sarah Discaya na pwedeng ikonsidera ng korte kung mapatunayang guilty, sinabi ni Prosector General Richard Anthony Fadullon alinsunod na rin batas.

“Let’s say magkaroon ng sentensya, naghearing na its time for the court to come up decision, the court will consider mitigating circumstances aong them for example would be voluntary surrender, plea of guilt that’s something that will lessen the penalty.”

Ang pahayag ni Fadullon ay makaraang kusang sumuko si Discaya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kinakaharap niyang kaso kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Samantala, alinsunod sa mga probisyon ng Witness Protection Program, nanindigan ang DOJ na ang inaakusahan na magiging state witness ay kailangang magsauli ng nakulimbat na pera kung sila ay inoobliga, bagamat hindi ito nakasaad sa batas ang restitution.

Ayon kay Fadullon, hindi pa nag-tell all ang mga Discaya dahil pawang mga pangalan pa lamang ang kanilang binabanggit at wala pang sapat na ebidensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here