Home HOME BANNER STORY Sermonia out, Emmanuel Peralta in bilang PNP acting deputy chief for admin...

Sermonia out, Emmanuel Peralta in bilang PNP acting deputy chief for admin ng PNP

MANILA, Philippines- Nagsimula na ang tungkulin ni Police Lieutenant General Emmanuel Peralta nitong Lunes bilang bagong Acting Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP).

“We extend a warm welcome to P/LtGen. Emmanuel Peralta, who has assumed the role of Acting Deputy Chief PNP for Administration—a respected leader who showcases a profound commitment to our collective mission,” ani PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang press briefing sa Camp Crame.

Pinalitan ni Peralta si P/LtGen. Rhodel Sermonia na nagretiro na.

“Ito po ang official, ang pinakaunang araw ko sa opisina. Tutulungan po natin ang Chief PNP ang buong kapulisan sa pag-manage at pag-supervise  ng ating mga directorial staff,” pahayag ni Peralta.

Sa seremonya, kinilala ni Acorda ang karanasan ni Peralta at husay nito sa pamumuno, kung saan inihayag niya na kumpiyansa siyang maayos na maisasakatuparan ng bagong opisyal ang kanyang tungkulin. RNT/SA

Previous articlePower maintenance sa NAIA kasado mula Peb. 6 ‘gang Marso 7; ‘minimal disruptions’ asahan – MIAA
Next articlePekeng People’s Initiative ibasura na – Hontiveros