Home NATIONWIDE Serye ng red, yellow alerts sa Luzon, Visayas grids tinatalupan ng ERC

Serye ng red, yellow alerts sa Luzon, Visayas grids tinatalupan ng ERC

MANILA, Philippines- Nagsimula na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng preliminary investigation nito sa tatlong magkakasunod na araw ng red at yellow alerts na itinaas sa Luzon at Visayas grids.

Sa katunayan, sinabi ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta na ang power industry regulator ay nagsagawa na ng preliminary investigation sa kamakailan lamang na power situation.

“We will schedule meetings with involved stakeholders soon for the formal investigation,” ayon kay Dimalanta.

Sa ulat, inanunsyo ng National Grid Corp. of the Philippines na ang Luzon grid ay muling inilagay sa ilalim ng red alert, ngayong araw ng Huwebes, mula alas03 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

“A red alert status is issued when power supply is insufficient to meet consumer demand and the transmission grid’s regulating requirement,” ayon sa ulat.

Itinaas naman ang yellow alert sa Luzon grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon; alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi at alas-10 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.

“A yellow alert is issued when the operating margin is insufficient to meet the transmission grid’s contingency requirement,” base sa ulat.

Sa kabilang dako, sinabi ng NGCP na ang Luzon grid ay mayroong available capacity na 13,397 megawatts (MW) laban sa peak demand na 12,892 (MW).

Sinabi ng grid operator na mayroong 19 power plants ang pwersahang itinigil ang operasyon habang ang isa naman ay tumatakbo sa mas mababang kapasidad para sa kabuuang 1,891.3MW unavailable sa Luzon grid.

Ang Visayas grid ay isinailalim sa red alert mula ala-1 ng tanghali hanggang alas- 9 ng gabi, habang ang available capacity ay pumapalo lamang ng 2,662 MW kontra sa peak demand na 2,465 MW.

Sinabi ng NGCP na may 13 power plants ang pwersahang itinigil ang operasyon habang siyam naman ang tumatakbo sa mas mababang kapasidad, may kabuuang 696.7MW na unavailable sa Visayas grid.

Samantala, sinabi ni Dimalanta na patuloy na nangangalap ng impormasyon ang ERC mula sa iba’t ibang planta at maging mula sa NGCP.

“After our initial evaluation, we can then decide if there is ground to formalize the investigation for purposes of determination of liabilities and imposition of penalties,” aniya pa rin.

“We are still conducting our preliminary investigation and then will call on the plants and NGCP for vetting,” dagdag na wika nito. Kris Jose