Home ENTERTAINMENT Seth, handa na sa pagbuwag ng FranSeth!

Seth, handa na sa pagbuwag ng FranSeth!

Manila, Philippines- Sunod-sunod na blessings ang dumarating sa career ng aktor na si Seth Fedelin matapos manalo ng Breakthrough Performance award sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2024 para sa pelikulang My Future You.

Hinangaan ang aktor ng mga kritiko at sinasabing may future raw si Seth sa larangan ng pag-arte.

Naging controversial pa nga siya dahil tinalo pa raw niya si Aga Muhlach na hindi man lang na-nominate sa Best Actor sa nasabing taunang film festival.

Mas mapapatunayan pa ni Seth ang kanyang husay dahil malapit na ring mapanood ang seryeng “Nobody” na pagbibidahan nla ni Gerald Anderson.

Kasama rin sa serye ang kanyang ka-loveteam na si Francine Diaz.

Pero kahit mainit pa ang FranSeth love team at kahit paano ay may napapatunayan, wala umanong problema sa aktor kung dumating ang panahon na mabuwag na ang FranSeth.

Sa pagtahak in the future sa solo career ng aktor, bukod sa acting, gusto rin daw ni Seth na mag-focus sa music.

Hindi alam ng iba na may talent din sa pagkanta si Seth.

Sa katunayan ay nakapag-record na rin siya ng kanyang single under Star Pop at Star Music.

Maghiwalay man daw ang kanilang loveteam ni Francine ay alam niya na susuportahan siya nito. Rommel Placente