Manila, Philippines- Mula sa kanyang source, “ipinatikim” ni Ogie Diaz ang ilang detalye sa likod ng umano’y pangre-rape ng musical director na si Danny Tan sa noo’y kinse anyos na mang-aawit na si Gerald Santos.
As far as Gerald is concerned, naninindigan siya sa kanyang pahayag sa Senate hearing na dinanas niya ito taong 2005.
In a separate item, napag-alamang nangyari ang umano ay panggagahasa kay Gerald noong December 25 at 26.
Ayon sa nakalap in impormasyon ni Ogie–which he shared on their online show Showbiz Update–naganap ito sa lloilo.
Diumano, isinama ni Tan si Gerald sa naturang lalawigan para sa isang show.
Bagay na totoo naman daw.
‘Yun nga lang, no other performer from Manila was invited kundi si Gerald lang.
Quoting Ogie’s statement, may ipinainom daw si Tan kay Gerald, o inihalo sa inumin nito.
Hindi malinaw kung anong substance ang inihalo sa ininom ni Gerald.
Tiyak na sa paglabas ng balitang ito’y kumpleto nang naisalaysay ni Gerald ang mga detalye that led to the alleged sexual abuse.
At presstime kasi’y pinag-aaralan pa kung anong kaso ang maaaring isampa laban kay Tan.
Sinisilip din ang prescriptive period na within 20 years, kung saan pasok ang kaso ni Gerald.
Ayon pa kay Ogie, nananatiling active pa raw ang Facebook account ni Tan–na aniya’y mukhang nakahanda namang sagutin ang paratang laban sa kanya.