Home OPINION SHA-BO

SHA-BO

188
0

GRABE ang inaabot na batikos ni Megastar Sharon Cuneta matapos siyang mag-joke kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na “mali your choice” o piniling Vice President noong tumakbo itong Pangulo.

Isa lang daw ang kanyang vice president…at iyon ay ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Tinalo ni VP Sara Duterte si Kiko na ka-tandem naman ni Leni Robredo.

Nakakasira talaga ng ulo ang pulitika.

@@

Binabatikos si Sharon dahil tila nakalimutan daw niya kung paano siya sumipsip noon sa mga Duterte noong nasa kapangyarihan pa si dating Pangulong Digong.

Halos bolahin niya noon si VP Sara at sabihing mahal na mahal niya ito. E kasi pala, nilalakad niya na suportahan ni Sara ang kapatid niyang tumakbong alkalde sa Pasay City.

Talo ang kapatid ni Shawie. Nagalit siya kay VP Sara dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na tapos na ang kanilang paghahari sa Pasay City.

@@

Nakadikit ngayon si Shawie kay PBBM. May mga mga nag-suggest na igawa sila ng movie at ang kanilang tambalan ay tatawaging SHA-BO.

Har, har, har!

@@

Walang paki si Shawie kung tawagin silang SHA-BO ni Bongbong.

At wala rin siyang pakialam kahit magalit sa kanya ang anak na si Frankie na “sukang suka” sa mga Marcos.

Ang mahalaga ngayon kay Shawie, sila ngayon ng kanyang “only vice-president” na si Kiko ay “nakalambitin” sa power ni PBBM.

KAIN-SUKA ang tawag dito ng marami.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here