Home ENTERTAINMENT Sha-Gab fans, may inggit kina Pops-Martin!

Sha-Gab fans, may inggit kina Pops-Martin!

Manila, Philippines – Slight lang naman daw ang inggit na nararamdaman ng mga tagahanga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kina Pops Fernandez at Martin Nievera.

For many years now, kahit matagal nang hiwalay at may sarili nang buhay ang Concert King at Queen ay mabenta pa rin sila.

In fact, the erstwhile couple would be off to US for their concert tour in June.

Sabi nga ni Martin: “Always a pleasure to share the stage with the Concert Queen!”

Sa parteng ito pumapasok ang slight inggit ng mga ShaGab fans.

Unlike the 80s loveteam, ni minsan daw kasi ay hindi nagkaroon ng problema o aberya ang mga pinagsamahang concerts ng mga magulang nina Ram and Robin.

As such, ni minsan daw ay wala ni isang hanash na pinakawalan si Pops sa kanyang social media account patungkol kay Martin.

Apparently, this cannot be said of Sharon who seems to never run out of hanash after hanash after hanash toward Gabby over seemingly insignificant matters.

Tuloy, may mga matatandang mapamahiin ang nagsasabi na ang malas daw sa trabaho ang ganoong attitude ni Sharon.

Samantala, it’s strange yet interesting to know na sa kabila ng kanilang civil status ay masayang nagsasama si Martin at ang karelasyong si Anj del Rosario.

For the record, hindi pa kasal ang dalawa.

Ewan nga lang if nasa agenda ni Martin na gawing official/legal Mrs. Nievera si Anj.

Despite this, what a beautiful couple they are!

How much more kung may basbas pa ng simbahan, eh ‘di lalo na!

Back to Sharon, marami ang nagpapayo sa kanya to take a cue from Pops-Martin.

As far as Gabby is concerned ay wala naman daw problema.

Parang gusto naming sumang-ayon! Ronnie Carrasco III