Home NATIONWIDE Shear line, amihan iiral sa N. Luzon

Shear line, amihan iiral sa N. Luzon

156
0

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang shear line sa eastern section ng Northern Luzon habang iiral ang northeast monsoon (amihan) sa extreme Northern Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, at Isabela ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line na may posibilidad ng flash floods o landslides sakaling magkaroon ng “moderate to at times heavy rains.”

Makararanas naman ang Batanes ng maulap na kalangitan na sasabayan ng mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Iiral sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorm” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon ay moderate to strong at kumikilos sa northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Magkakaroon naman ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungo sa northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-6:08 ng umaga at lulubog ng alas-5:26 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here