NAKATAKDANG magsagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa tinawag na ‘revenue erosion’ ni Sen. Sherwin Gatchalian na target ang mga highly excisable pAng Senate inquiry, ayon sa Valenzuela lawmaker, ay sesentro sa ‘di matigil-tigil na pagpasok at pagkalat ng iba’t ibang uri ng sigarilyo at vape products sa bansa.
Ayon sa Department of Finance, tumataginting na P52 bilyon ang nakukurakot sa kaban ng bayan kada-taon dahil sa rampant cigarette at vape smuggling.
Ngunit sa pag-aaral ng University of Asia and the Pacific, aabot sa P60 bilyon ang nawawalang buwis ng bansa taon-taon dahil sa illicit tobacco trade.
Sa paghahain ng Resolution 1243 para sa senate inquiry, sinabi ni Gatchalian na noong Nobyembre lang ay nilusob ng awtoridad ang fake cigarette factory sa Bulacan.
Nakumpiska ang P2 bilyon halaga ng cigarette manufacturing devices at pekeng sigarilyo, kabilang ang nakuhang untaxed cigarette sa sumunod na raid sa Valenzuela.
Dahil sa raid na ito ng Criminal Investigation and Detection Group ay napigilan ang posibleng pagbaha ng mga pekeng sigarilyo, ayon sa Bureau of Internal Revenue.
At dahil sa laki ng problemang kinakaharap ng gobyerno sa usapin na ito, all-out ang CIDG laban sa cigarette at vape smuggling, pahayag ni PBGen. Nicolas Torre lll.
Sa pinakahuling operasyon noong Nobyembre 27 sa Barangay Patalon, Zamboanga City ay nakakumpiska ang CIDG operatives ng P28,993,800 halaga ng smuggled cigarettes.
Kasama ang BIR – Region No. 15, isinagawa ng CIDG ang seizure sa 506 na cases ng assorted brand ng smuggled cigarettes na walang kaukulang BIR stamp.
Maliban sa mga inaresto at nakumpiskang bilyong pisong peke at smuggled cigarettes sa ginawang sunod-sunod na raids ay tahimik ang CIDG sa ginagawang follow up operations.
Naintindihan natin dahil upang hindi ‘masunog’ ang ginagawang operasyon para sa ikadarakip ng mga nasa likod nang ‘di mahinto-hintong cigarette at vape smuggling sa bansa.
Go, go, goooo CIDG.






