Home OPINION KUMAKALAM NA TIYAN UNAHIN 

KUMAKALAM NA TIYAN UNAHIN 

128
0

SOBRA-SOBRANG gastos na ang nalustay sa pagdinig ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa inquiry in aid of legislation kaugnay sa war on drugs ng nakalipas na adminstrasyon. 

Bukod sa Quad Committee ng House of Representatives, mayroon pa silang imbestigasyon ng iba’t ibang komite na nag-iimbestiga naman sa confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte para sa Office of the Vice President at noong kalihim pa siya ng Department of Education. 

Ngayon naman ay ang pagsusulong ng impeachment laban kay VP Duterte na naman. 

Yung mga naunang imbestigasyon, ayon sa mga mambabatas, wala silang planong maghain ng impeachment laban kay Duterte at nais lang nilang gumawa ng batas na may kaugnayan sa mga nakalipas na kaganapan sa bansa. 

Naisip kaya nitong mga naghain ng impeachment sa Pangalawang Pangulo ang guguguling panahon at salapi sa kapritso nila? 

Sabagay, sabi nga ng isang matandang reporter na inabutan pa ng inyong Pakurot bilang field reporter sa Makati, gusto niyang matuloy ang impeachment bagaman alam niyang hindi ito magtutuloy dahil tiyak na matatakot ang mga politikong re-eleksyunista na magalit sa kanila ang taumbayan at hindi sila tangkilikin o bigyang suporta sa halalan sa Mayo 2025. 

Bakit kasi itong mga mambabatas, mas nais pang magpasikat 
sa umano’y nalalaman nila hinggil sa mga pagkakamali ni Inday Sara kaya nga nasampahan ng impeachment? 
Kung inuuna nila ang paggawa ng mga batas na maglalagay ng pagkain sa kumakalam na sikmura o kaya naman ay lilikha ng trabaho para sa mamamayan, tiyak na mas lalo silang sisikat at higit na mamahalin ng taumbayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here