MANILA, Philippines- Magpapaulan ang shear line at ang Northeast Monsoon (Amihan) sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, at Dinagat Islands na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line na nakaaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Makararanas din ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan ng pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon na nakaaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
Inaasahan sa natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa monsoon.
Nakaamba sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa trough o extension ng low pressure area (LPA).
Samantala, asahan sa natitirang bahagi ng Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa trough ng LPA.
Ang coastal waters ay magiging “rough” sa eastern section ng Southern Luzon, at moderate to rough sa Visayas, natitirang bahagi ng Luzon, at sa northeastern section ng Mindanao.
Iiral sa natitirang bahagi ng Mindanao ang slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw ng alas-6:16 ng umaga at lulubog ng alas-5:32 ng hapon. RNT/SA