Home NATIONWIDE Shear line, Amihan magpapaulan sa Luzon

Shear line, Amihan magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Magpapaulan ang shear line at Northeast Monsoon o (Amihan) sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Sabado, Disyembre 23.

Ang mainland Cagayan, Isabela, Aurora at northern Quezon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon.

Habang ang Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa amihan na nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang Bicol Region, Palawan, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa amihan. RNT/JGC

Previous articleDENGVAXIA PARENTS WANT JUDGE ‘OUT’ FOR ‘DISOBEDIENCE’
Next articleP40 MILYON SHABU SA ILOILO