Home NATIONWIDE Shear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas

Shear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang shear line sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas habang ang northeast monsoon (amihan) ay makakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon, iniulat ng PAGASA.

Ang Rehiyon ng Bicol, Rehiyon ng Davao, Hilagang Samar, Eastern Samar, Samar, Surigao del Sur, at Surigao del Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line at easterlies na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa minsan malakas ang ulan.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at mga localized thunderstorm na may flash flood o landslide na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:23 a.m., at lulubog ito ng 5:41 p.m. RNT

Previous articlePAGPUGOT NG HAMAS SA 40 SANGGOL, FAKE NEWS?
Next article8 pang Pinoy tigok sa COVID