Home HEALTH 8 pang Pinoy tigok sa COVID

8 pang Pinoy tigok sa COVID

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang 623 bagong kaso ng Covid-19 nitong Biyernes, Enero 5, na idinagdag sa kabuuang bilang ng bansa na 4,138,564 na kaso.

Inihayag ng DOH Covid-19 tracker ang walong bagong nasawi at nasa 1.6 percent ang fatality rate sa bansa. Samantala, nasa 5,822 naman ang aktibong kaso.

284 naman ang dagdag na gumaling kaya umabot na sa 4,065,886 na indibidwal ang total recoveries na naitatala sa bansa.

Hinggil sa Covid-19 bed occupancy, sinabi nito na 13.03 percent ng 1,958 designated ICU beds ang ginagamit, na may 18.38 percent occupancy para sa non-ICU beds.

Sa 1,962 na available na mechanical ventilator, 173 ang aktibong sumusuporta sa mga pasyente ng Covid-19.

Kaugnay nito, hinihimok ng health department ang publiko na huwag maging kampante. RNT

Previous articleShear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas
Next articleP150M lotto jackpots mailap