Home NATIONWIDE P150M lotto jackpots mailap

P150M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines –  Walang nanalo sa Ultra Lotto at Mega Lotto 6/45 draw nitong Biyernes, Enero 5, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng PCSO na ang masuwerteng numero para sa Ultra Lotto 6/58 ay 46-54-05-35-04-13 para sa jackpot prize na P49,500,000.

Samantala, anim na mananaya ang nakatakdang mag-claim ng tig-P120,000 para sa ikalawang premyo, at 400 naman ang bawat isa ay makakatanggap ng P2,000 para sa ikatlong premyo.

Gayundin, wala ring nanalo para sa Mega Lotto 6/45 draw. Mayroon itong mga panalong numero na 13-18-41-29-33-37 at may jackpot prize na P111,414,431.60.

Para sa parehong draw, 91 manlalaro ang nanalo ng tig-P32,000 para sa ikalawang gantimpala, habang 2,430 naman ang nanalo ng tig-P1,000 para sa ikatlo.

Ang iba pang resulta ng digit na laro ay 6-3-4-4 para sa 4D, 1-2-3 para sa 3D Lotto, at 04-29 para sa 2D Lotto. RNT

Previous article8 pang Pinoy tigok sa COVID
Next articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo