Home OPINION PAGPUGOT NG HAMAS SA 40 SANGGOL, FAKE NEWS?

PAGPUGOT NG HAMAS SA 40 SANGGOL, FAKE NEWS?

MABIGAT na bintang ng Israel Defence Forces ang pagpugot ng Hamas sa 40 baby noong Oktubre 7, 2023.

Ginamit ang isyung ito ng IDF bilang propaganda at ilarawan ang Hamas na mga demonyo sa pagpugot sa mga inosenteng tao.

Pero sa kalaunan, lumilitaw na “fake news” ito nang walang mailabas ang IDF na ebidensya.

Ang White House naman, umatras sa isyu nang aminin umano mismo sa huli ni American President Joe Biden na walang siyang nakitang ebidensya bagama’t nauna nitong sinabi na may pugutan base sa mga pahayag ng mga militar at lider ng Israel.

Nang magsiyasat din ang isang French journalist sa Kfar Aza na sinabi ng IDF na roon naganap ang pugutan, walang nagsasabi sa mga survivor na may mga pinugutan na baby.

Ganito rin ang ulat mismo ng Israel veteran reporter na si Oren Ziv.

Nang magsiyasat ang Sky News at hingan ang IDF ng pruweba ng mga pugot na baby, wala ring maipakita ang IDF na kahit isang ebidensya.

Mismong si Sky News chief correspondent sa Israel na si Stewart Ramsey, nagsabing wala siyang hawak na ebidensya para sana kumpirmahin ang sinasabi ng IDF.

Sa ikalawang isyu na gamit umano ng Hamas ang pinakalamaking ospital sa Gaza, ang Al-Shifa, bilang command center, lumitaw na walang ebidensya rito, at napatunayang fake news ito ng Washington Post makarang magsagawa ito ng sarili nitong imbestigasyon.

Ang mga fake news na ito ay inilabas ni Hamza Ali Shah, isang British Palestinian journalist, na nagsabing masakit isiping sa loob ng isang linggo simula noong Oktubre 7, hindi man lang matuligsa ng media, lalo na ang mga nakabase sa United Kingdom, ang pagkamatay umano sa kamay ng mga Israelita ng 720 na batang Palestino at tanging ang hindi napatunayang pagpugot ang inuulit-ulit na ulat ng British media.

Sey niyo, mga brad?

Previous articlePBBM PRAYORIDAD SAPAT NA SUPLAY NG PAGKAIN  SA TAGTUYOT
Next articleShear line, amihan magpapaulan sa Luzon, Visayas