Home NATIONWIDE Shear line iiral sa Visayas, 4 pang lugar

Shear line iiral sa Visayas, 4 pang lugar

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang shear line sa Southern Luzon at Visayas at magdadala ng ulan sa ilang lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Aurora ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dulot ng shear line.

Batay sa heavy rainfall outlook ng PAGASA, inaasahan sa mga lalawigan ng Quezon, Oriental Mindoro, Palawan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Leyte ang moderate to heavy rains na umaabot ng 50 to 100 mm bunsod ng shear line.

Nakaaapekto naman ang Northeast Monsoon (Amihan) sa natitirang bahagi ng Luzon.

Nagbabadya sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon at CALABARZON ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa monsoon.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Samantala, nakaaapekto ang easterlies sa Mindanao.

Inaasahan sa Caraga ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa easterlies.

Makararanas ang natitirang bahagi ng Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dulot ng easterlies.

Ang coastal waters ay magiging rough to very rough sa Northern Luzon, Central Luzon, at sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas.

Iiral sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ang moderate to rough coastal waters, habang ang katubigan ng Mindanao ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang ayaw ng alas-6:22 ng umaga at lulubog ng alas-5:59 ng hapon. RNT/SA