Home NATIONWIDE Shear line, ITCZ at Amihan sanib-pwersa sa pagpapaulan sa bansa

Shear line, ITCZ at Amihan sanib-pwersa sa pagpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang apat na weather system sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ang tropical cyclone ay namataan sa layong 475 kilometro kanluran, timog kanluran ng Kalayaan, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyong south southwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ngayong Huwebes, Disyembre 26, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang shear line sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Eastern Visayas, habang ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdadala ng maulap na kalangitan na may scattered rains at thunderstorms sa Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ay magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Ilocos Region.

Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ang nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC