Home ENTERTAINMENT Sheree, sinabing virgin siya ulit!

Sheree, sinabing virgin siya ulit!

Manila, Philippines – Happy si Sheree na hanggang ngayon ay close pa rin sila ng mga kasama sa original Viva Hot Babe.

Nabanggit din niyang happy siya ka JC Parker sa pagkakaroon ng kambal na anak.

“I’m really-really happy for them, kasi drream talaga ni JC iyan na magkaroon siya ng family, magkaroon siya ng baby.

“Kaya nga noong nagka-baby na siya, hindi na namin siya masyadong ginugulo. Kasi before we always have get together talaga. Dati talagang pilitan na dapat uminom, pero dahil gusto niya magka-baby, kaya okay na yung tubig na lang siya.”

Nagbibigay din ba siya ng advice sa mga kasama niya?

“Oo naman, naku! Sabi ko nga, iyong mga gusto pang magka-baby until now kung saan na kami ngayon, bilib ako sa kanila.

“Kasi ako, for myself ay hindi ko na yata magka-baby ulit. Kasi parang, virgin na po ako ulit eh,” pahalakhak na sambit ni Sheree.

“Oo, nagsara na po siya… So, mahirap naman pong buksan natin siya ulit, hindi ba? So, dyan na lang po siya, stay put na lang siya riyan sa pagka-virgin,” pabirong wika pang muli ni Sheree.

Anyway, mapapanood si Sheree ngayong Friday, May 24, 2024, 8pm sa Music Museum sa kanyang concert na L’ Art de Sheree.

Kabilang sa production number ng former Viva Hot Babe member ang buwis-buhay aerial stunts.

“This will gonna be a different Viva Hot Babe na mapapanood nila. Kasi magiging theater sila, theater na ang Viva Hot Babes for this L’ Art de Sheree.

“Ang concept talaga of this show is more of theater, burlesque and Broadway, so iyon talaga ang Cirque du Soleil (Circus of the Sun). So iyon po ang type of music natin (doon). We will be featuring music from the 1920’s, 1960’s and up to now.”

Pagpapatuloy pa ni Sheree, “For this concert, I am telling a story, my whole career, what I went through. At the same time I am showcasing my skills and my music of course. I trained very hard for years, I thought of adding skills to my music, this might be the first you will see me singing while pole dancing. There will be a lot of buwis buhay stunts,” aniya pa.

Sa mga hindi aware, si Sheree ay isang multi-talented artist. Bukod sa pagiging aktres, siya ay singer, composer, pole dancer, painter, at disc jockey.

Makikita rin ang mga ginawang paintings ni Sheree sa loob ng Music Museum.

“Kasi I’m featuring also my paintings, kaya pagdating nyo sa Music Museum ay makikita nyo itong naka-display.

“Actually, iyon din ang ginagawa ko talaga, the reason why I produce this show and at the same time, iyong goal ko rin talaga is to help also, not just do a show.

“I’m also supporting a charity, so hopefully after the concert, hopefully the cast can join me and visit our lolas in Abandoned Grandmas in Laguna. Sila po ang beneficiary, painter din po kasi iyong sister doon na nagbabantay. So, nakakatuwa lang na nakaka-resonate ako sa kanila.”

Directed by Jet Loveria, with musical direction by Bobby Velasco, creative direction by Egai Bautista, and choreography by Earl Baer, makakasama ni Sheree rito ang Speed Dance Company, ilang member ng Viva Hot Babes, Gian Magdangal, at iba pa. Nonie Nicasio