Home NATIONWIDE Taas-presyo sa produktong petrolyo nagbabadya

Taas-presyo sa produktong petrolyo nagbabadya

MANILA, Philipines- Asahan na ng mga motorista ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa oil trading sa nakalipas na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na maaaring tumaas ang presyo kada litro ng gasolina ng P0.45 hanggang P0.65.

Samantala, posible namang umakyat ang presyo ng diesel ng P0.35 hanggang P0.55 kada litro habang inaasahan ang dagdag sa presyo ng kerosene na P0.45 hanggang P0.60 kada litro.

“The estimated increases in the prices of petroleum products for next week are attributed to the OPEC+ production cut where analysts are awaiting the June 1 meeting that will focus on their output policy; a stronger dollar that makes crude oil more expensive for non-dollar economies and the rebound in demand from China,” ani Romero.

Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang price adjustments tung Lunes, na ipinatutupad kinabukasan. RNT/SA