Manila, Philippines – Sobrang happy si Sheryl Cruz dahil hindi siya nawawalan ng mga proyekto at sunod-sunod din ang pagtanggap niya ng mga award.
Katatapos lang niyang gawin ang vertical drama na “Second Chances,” produced ng Maddox at Moonstone Productions sa ilalim ng direksyon ni Direk Rommel Penesa.
Kasama niya rito sina DJ Durano, Jao Mapa, at Ynez Veneracion. Malapit na itong mapanood.
May natapos din siyang pelikulang may titulong “Kappa-tiran,” na idinirehe ni Neal “Buboy” Tan para sa Mamay Productions.
Co-stars niya rito sina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, Bembol Roco, Patricia Javier, at Julio Diaz.
May mga TV guesting din si Sheryl. Nag-taping siya para sa dalawang show.
Una ay sa game show ni Dingdong Dantes na “Family Feud” at sa “All-Out Sundays” (AOS), kung saan kumanta siya nang live ng mga OPM song.
Samantala, noong May 31 ay tumanggap ng award si Sheryl sa Model Moms 2026.
At sa darating na June 27 ay muli siyang tatanggap ng award mula naman sa The 2nd Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers Awards bilang Asia-Pacific Best TV Actress of the Year.
Hindi lang artista at singer si Sheryl kundi isa na rin siyang businesswoman.
May itinayo siyang negosyo na tinawag niyang She & Ai Food Products.
Business partner niya rito ang best friend niyang si Ailene Rivera.
Ia-announce nila soon ang official launch date nito.
Napapanood pa rin ang award-winning actress sa musical-drama na “Born To Shine,” kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Giovanna “Vanna” Grande, ang head coach at vocal coach ng boot camp.