Home HOME BANNER STORY Shortage sa klasrum nasa 165K pa rin – DepEd

Shortage sa klasrum nasa 165K pa rin – DepEd

151
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na nasa 165,000 pa rin ang classroom backlog sa buong bansa, isang problema na inaasahang makakaapekto ulit sa paparating na school year.

Tatlong linggo bago ang pagbubukas ng School Year 2025-2026, aminado si Angara na maaaring magpatupad ulit ng shifting classes ang ilang mga paaralan dahil sa kakulangan ng silid-aralan.

“We’re now at around 165,000 [classroom shortage] and growing kasi hindi na kakayanin nung current budget to meet the ano eh… It would take us 30 years, probably, if we work with the current budget,” ani Angara.

“Buong bansa kasi ang kakulangan eh especially in populated areas like Region 4-A and NCR, grabe ‘yung… All the cities actually all over the country, mataas ang backlog,” dagdag pa.

Nakatakdang magsimula sa Hunyo 16, 2025 ang School Year 2025-2026 at magtatapos sa Marso 31, 2026.

Iginiit ni Angara ang pangangailangan na magbigay ng malakas na internet connection sa mga lugar upang makapag-aral sa bahay ang mga “independent learners,” partikular ang incoming senior high school students, katulad ng sa ibang bansa.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), inilaan ang P28 billion sa badyet ng DepEd para sa basic education facilities. Kabilang dito ang P7.18 billion para sa konstruksyon ng mga bagong kindergarten, elementary, at secondary school buildings.

Kasama rin dito ang P6.13 bilyong badyet para sa rehabilitasyon, renovation, repair at pagsasaayos ng mga school building sa ilalim ng “Repair All Policy.”

“Para ‘yung mga kailangan talagang nasa loob ng classroom, kailangan kausap talaga ang mga teachers, ‘yun ‘yung mga Nursery, Grade 1, Kindergarten dahil ‘yun palang ang natututo at kailangan matuto magbasa, kailangan matuto magsalita. ‘Yan talaga kailangan nasa loob ng classroom,” paliwanag ni Angara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here