Home ENTERTAINMENT Showbiz comeback ni Angel, fake news na naman!

Showbiz comeback ni Angel, fake news na naman!

Manila, Philippines – Talaga bang nakakarahuyo ang persuasive power ni Coco Martin to the point na hindi mahindian ang alok niyang magbalik-showbiz ang mga ‘di na masyadong aktibong artista?

Tumatak na kasi sa isipan among his colleagues na si Coco ang susi para bigyang daan muli ang kanilang showbiz career.

Ang latest ngang viral post sa social media ay mula sa isang netizen: abangan daw ang pagbabalik ni Angel Locsin.

Obyus naman na ang teleseryeng babalikan ni Angel ay ang Batang Quiapo.

Could Angel have rethought her decision to stage a comeback lalo’t matagal-tagal na rin naman siyang namamahinga?

Hindi pa man ay nagbubunyi na ang mga fans ni Angel.

They all can’t wait to see their idol grace the boob tube anew.

Pero teka, baka fake news lang ito.

Ang quick check with Dreamscape Entertainment yielded a positive result.

Itinanggi kasi nito ang viral post.

There’s no such offer made by Coco to Angel.

Lalo pang kapani-paniwala ito as Angel has decided to slip into social media detox.

Ito’y ayon na rin sa close friend ng aktres na si Dimples Romana.

Kung sa social media nga naman ay pahinga si Angel, eh ‘di mas lalo na sa pagtanggap ng showbiz assignments.

So, kumpirmadong walang aasahang showbiz comeback kay Angel.

Not on Batang Quiapo. Not on any show: both existing and upcoming.

Sorry kung disappointed ang mga fans ng aktres, kesa naman umasa nang wala naman palang inaasahan!

Fake news na naman ang kumalat na balitang magbabalik-showbiz na si Angel. Ronnie Carrasco III