Home ENTERTAINMENT Showtime, kinabog ang EB sa ratings; Dabarkads, lilipat sa Meralco theatre!

Showtime, kinabog ang EB sa ratings; Dabarkads, lilipat sa Meralco theatre!

Manila, Philippines – Nagtutumili ang headline na nilampaso ng It’s Showtime ang Eat Bulaga nitong April 6, Sabado.

‘Yun ang pilot episode ng Showtime na nagsimula nang mapanood sa GMA.

Galing ang nasabing noontime show sa GTV, sister station ng GMA.

Last Saturday’s episode of Showtime celebrated Vice Ganda’s post-48th birthday celebration.

Sinuportahan ito ng kapwa Kapuso at Kapamilya stars.

Ayon sa AGB NUTAM aggregated ratings mula sa GMA, GTV, A2Z at Kapamilya channel, nakapagtala ito ng 9.7%.

The figure is opposed to Eat Bulaga’s 4.4% na mapapanood naman sa TV5.

Ang tanong ngayon ng marami: “tsamba” lang kaya ang pagkakaungos ng Showtime sa EB?

Magiging consistent kaya ito, o baka naman “nagpadama” lang ang EB na inaasahang may inihahandang pasabog to stay on top in the ratings game?

Samantala, ayon sa ulat ng Bilyonaryo.com, inihahanda na ng Media Quest Holdings ni Manny V. Pangilinan at TVJ Productions ang paglipat sa Meralco Theatre bilang bagong studio ng EB.

Bunsod na rin ito ng escalating noontime competition sa pagitan ng dalawang programa.

As it is now, ang live broadcast ng EB ay isinasagawa sa TV5 studio sa Reliance, Mandaluyong City.

Limitado lang ang laki nito as it can only seat 250 people.

Whereas kung gagamitin ang Meralco Theatre bilang studio ng EB ay kaya nitong i-accommodate ang mahigit isanlibong katao.

Kilala ang Meralco Theatre bilang paboritong venue ng mga concerts, plays at iba pang live na pagtatanghal.

Ang paglipat kayang ito ng EB to a much bigger studio ang sagot sa tanong kung mauungusan nila ang Showtime, ratings-wise?

Naiulat na anim na buwan lang ang ibinigay na palugit ng pamunuan ng GMA para talunin ang EB sa ratings.

So, sa palakihan ng studio ito at wala sa content? Ronnie Carrasco III