MANILA, Philippines- Iginawad ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata para sa Secure Electronic Transmission Services (SETS) project na gagamitin sa May 2025 midterm elections sa joint venture (JV) ng iOne Resources Inc. at Ardent Networks, Inc.
“After careful examination, the Commission on Elections, sitting en banc, resolved to approve the recommendation of the Special Bids and Awards Committee to issue a Notice of Award to the iOne-Ardent JV for the procurement project of SETS. During the Special En Banc Meeting, the Commission moved to agree to the SBAC Resolution No. 4, which was issued on March 25, 2024,” pahayag ng Comelec.
Ayon sa rekomendasyon ng SBAC, naipasa ng kompanya ang lahat ng legal, financial, at technical requirements ng proyekto na nagkakahalaga ng P1.638 bilyon.
Noong Pebrero, ang JV ng iOne Resources Inc. at Ardent Networks, Inc. ay idineklarang nagbibigay ng “pinakamababang kalkuladong bid,” pagkatapos mag-bid ng P1.426 bilyon.
Gagamitin ang SETS upang magpadala ng mga resulta ng halalan gamit ang mga network ng telekomunikasyon.
Kasama rin sa proyekto ang pagtatalaga ng mga data center at pagbibigay ng kinakailanganng koneksyon para sa mga server ng Automated Election System (AES). Jocelyn Tabangcura-Domenden