Home ENTERTAINMENT Shuvee, pinawiwi ang aso sa parking lot, binarag!

Shuvee, pinawiwi ang aso sa parking lot, binarag!

121
0

Manila, Philippines – Alam daw ba ni Shuvee Etrata ang wastong pet care?

Bugbog-sarado kasi ang Kapuso artist sa online bashing matapos kumalat ang isang video kung saan pinaihi niya ang kanyang pet dog sa parking lot ng isang condominium.

Uploaded by Reddit community, ikinuwento sa video clip ang ganap noon pang 2025.

This was way before Shuvee joined Pinoy Big Brother Celebrity Collab Season 1.

Mapapanood sa video na inako ni Shuvee ang kanyang pagkakamali, knowing na bawal nga ‘yon.

Aniya: “Alam kong mali pero ginawa ko pa rin siya. Bawal kasi sa condo na umihi ‘yung pet ko, eh!”

Aminado si Shuvee na madami ang inihi ng alagang aso which she realized she should have brought to the building’s 7th floor.

Sinubukan pa nga daw sitahin ni Shuvee ang alaga named Yoda.

“Nai-stress ako. Sabi ko, ‘Tara na, Yoda, baka mahuli pa tayo dito!’” kuwento niya.

It turned out na si Yoda pala’y pet dog ng dating roommate ni Shuvee na si Ashley Ortega.

May nag-suggest na sana’y sinuotan ni Shuvee ng diaper ang aso para hindi nagkalat.

May tumawag pang “psycho” sa kanya after saying sorry kahit alam niyang bawal ang kanyang ginawa.

Kawalan din daw ‘yon ng kunsiderasyon sa mga kapwa naninirahan sa condo.

For one, mahirap daw tanggalin ang masamang amoy dulot ng ihi ng aso.

Shuvee knows better next time! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here