Home ENTERTAINMENT Binoe, humirit; Death penalty, ibalik!

Binoe, humirit; Death penalty, ibalik!

95
0

Manila, Philippines – Death penalty ipatupad uli!

Ito ang nakikitang sagot ni Senator Robin Padilla sa lumalalang kriminalidad sa ating bansa.

Ito ang nilalaman ng kanyang Facebook account over the week.

Post ng aktor-pulitiko: “Marami na naman ang magagalit sa akin. Ibalik na natin ang death penalty! Saka pag-usapan kung ano ang mga sakop nito! Sobra na ang krimen, ang pagsasawalang-bahala sa buhay, kahihiyan at karapatan ng bawat Pilipino!”

Tulad ng inaasahan, hati ang sentimyento ng mga netizens.

Mas marami nga lang ang sumusuporta sa panukala ng mambabatas.

Ilan sa mga comments ay: “Death penalty para sa mahihirap lang ‘yan, ligtas ang mga mayayaman diyan.

‘Di naman patas ang batas sa Pilipinas!”

Kung isinusulong daw ang death penalty, unahin daw ang mga korap na pulitiko kahit pa kaalyado.

Kaya din daw naglipana ang mga drug lord at magnanakaw ay dahil wala tayong death penalty.

Walang dudang pag napag-uusapan ang korapsyon sa gobyerno’y woke ang ating mga kababayan.

Ang mga korap daw ang mas magandang maunang sampolan!

Your take on Robin’s idea, madlang pipol? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here