Home ENTERTAINMENT Sigabo, hindi napataob ang Master Cutter!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sigabo, hindi napataob ang Master Cutter!June 26, 2026 12:4020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Umabot sa 404,124 ang peak concurrent viewers online ng pilot episode ng *Sigabo*.Ito’y tampok sina Coco Martin bilang Gabo Magtibay at Julia Montes.Mapapanood ito sa TV5, ALLTV, A2Z, at Kapamilya Channel.Tinapatan ng *Sigabo* ang *Master Cutter* ni Dingdong Dantes sa GMA.Kaso, bigo ang serye ni Coco na talunin ang kay Dingdong—maliban na lang kung aggregate ratings ang labanan.Nitong June 22, Lunes, ay nagtala ng 9.9% ang *Master Cutter* kumpara sa 8.2% ng *Sigabo*.Patunay ito na mas matibay pa rin ang serye ni Dingdong, na nagtala ng 8.4% rating sa GMA pa lang (it also airs on GTV).Pero kapansin-pansin na single digit ang rating ng *Master Cutter*, na posibleng maapektuhan sa mga susunod na gabi dahil sa pagpasok ng *Sigabo*.Tingnan natin sa mga susunod na episodes kung tatalunin na ng *Sigabo* ang serye ni Dingdong.Kayo, ano’ng napupulsuhan n’yo?Ronnie Carrasco III