Home NATIONWIDE Sikat na Mexican boxer Julio Cesar Chavez Jr inaresto ng US immigration

Sikat na Mexican boxer Julio Cesar Chavez Jr inaresto ng US immigration

UNITED STATES – Inaresto ng mga ahente ng US immigration ang sikat na Mexican boxer na si Julio Cesar Chavez Jr, 39, at planong ipa-deport patungong Mexico kung saan siya ay
mayroong “an active arrest warrant… for his involvement in organised crime”, sinabi ng mga opisyal ng US nitong Huwebes, Hulyo 3.

Bago ang pagkakaaresto, nanalo pa si Chavez sa laban nito kay influencer-turned-boxer Jake Paul sa isang match sa California.

Ayon sa mga opisyal, ang boksingero ay may kaugnayan sa notoryus na Mexican Sinaloa drug cartel.

Itinanggi naman ng abogado nito ang paratang laban sa kanya.

“Under President Trump, no one is above the law – including world-famous athletes,” pahayag ng spokeswoman para sa Department of Homeland Security (DHS).

Si Chavez Jr ay inaresto ng mga tauhan ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Studio City, Los Angeles.

Ang naturang boksingero ay anak ni dating boxing champion Julio Cesar Chavez Sr, na itinuturing na ‘best boxer’ sa kasaysayan ng Mexico.

“Chavez is a Mexican citizen who has an active arrest warrant in Mexico for his involvement in organized crime and trafficking firearms, ammunition, and explosives.”

Pinaniniwalaan din aniya na siya ay may kaugnayan sa Sinaloa Cartel na itinalaga ni Pangulong Donald Trump bilang isang terrorist organization. RNT/JGC