Home METRO Siklista utas, isa pa sugatan sa suwagan ng motorsiklo, biseklita sa Pangasinan

Siklista utas, isa pa sugatan sa suwagan ng motorsiklo, biseklita sa Pangasinan

2
0

PANGASINAN, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang lalaking siklista samantalang sugatan naman ang 29-anyos na driver ng motorsiklo matapos magbangga ang kanilang sasakyan  sa Brgy. Camaley, Binmaley ng lalawigang ito nitong umaga ng Huwebes, Oktubre 1.

Ayon sa Binmaley MPS, ang nasawing siklista ay nasa legal na edad, may asawa, residente ng naturang bayan.

Ang 29-anyos na driver naman ng motorsiklo ay residente ng Dagupan City, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga naturang sasakyan ay parehong bumibiyahe sa provincial road papuntang hilaga.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, tinangka ng driver ng motorsiklo na i-overtake ang biseklita.

Nang mag-o-overtake na ang motorsiklo ay saka naman nawalan ng kontrol ang siklista sa manibela ng kanyang biseklita.

Dahil dito, aksidenteng nabangga ng nakamotorsiklo ang lalaking nakabiseklita at parehong silang natumba sa kalsada.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang  katawan ang siklista at ang driver ng motorsiklo.

Parehong isinugod sa ospital ang dalawa.

Gayunman, ang lalaking siklista ay idineklarang dead on arrival samantalang sumasailalim naman sa medical treatment ang driver ng motorsiklo. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here