Home NATIONWIDE Silangang bahagi ng Visayas apektado ng trough ng LPA

Silangang bahagi ng Visayas apektado ng trough ng LPA

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng trough ng Low Pressure Area (LPA) ang silangang bahagi ng Visayas ngayong Martes, Setyembre 22.

Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas, Caraga, Bohol, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng LPA.

Ang Palawan, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.

Habang kaparehong panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here