Home NATIONWIDE Simbahan planong itayo sa Pag-asa Island

Simbahan planong itayo sa Pag-asa Island

172
0

MANILA, Philippines – Planong magtayo ng Simbahang Katolika sa Pag-asa Group of Island kung saan maraming mga residente ang mananampalataya.

Ayon ito kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), matapos makipagpulong kay Palawan Bishop Socrates Medina.

Sa kanilang pag-uusap, inihayag ng Obispo ang kahalagahan ng pagtatayo ng Simbahan sa isla upang magkaroon na rin ng regular na misa.

Aniya, majority sa mga residente sa isla ay pawang mga Katoliko kaya mahalaga na makapaglagay ng pari sa lugar.

Ang nasabing plano ay napag-alaman ni Tarriela na posibleng simulan ang groundbreaking sa katapusan ng buwan ng Marso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here