Home METRO Simbahan sa Cebu itinalagang ‘affiliate’ ng Papal Bailica

Simbahan sa Cebu itinalagang ‘affiliate’ ng Papal Bailica

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Archdioceses of Cebu na ang simbahan ng Oslob na halos 180 taong gulang na, ay pinangalanang kaakibat na simbahan ng Papal Basilica of Saint Mary Major na matatagpuan sa Rome, Italy.

Ang Immaculate Conception Parish na matatagpuan sa bayan ng Oslob, Southern Cebu ay naging makasaysayan ang nakaraan kung saan tatlong beses na nasunog at muling itinayo ng mga parokyano sa bawat pagkakataon.

Tumama ang unang sunog noong 1942, ang ikalawa noong 1955 at pinakahuli noong 2008 na halos nawasak ang simbahan ngunit ang imahe ang Immaculate Conception ay naligtas.

Sinabi rin ng archdiocese na ang Papal Basilica of Saint Mary Major ay isa sa apat na pangunahing basilica sa Rome at may mayamang kasaysayan noong 5th century.

Ang pagkakaugnay ng dalawang landmark na simbahan ay nagkabisa noong Marso 4,2025.

Ayon kay Oslob Parish priest Fr. Jonald M.Concha, ang pagsasanib na ito ay isang pagpapala para sa kanilang parokya at isang paalala ng kanilang ibinahaging pangako sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at paglilingkod sa komunidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden