MANILA, Philippines – “Walang basehan, walang saysay, useless at nonsense!”
Ganito kung ilarawan ng Malakanyang ang panibagong patutsada ni si Vice President Sara Duterte na tuta di umano nina dating senador Antonio Trillanes IV, at Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang sinasabi pa rin ni VP Sara na sinusuportahan ni Pangulong Marcos ang ICC bilang kapalit ng pagkakadakip kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ay walang basehan.
Matatandaang, dinakip ng ICC si Digong Duterte na ama ni VP Sara dahil umano’y naging paglabag nito sa crimes against humanity sa implementasyon ng programang Oplan Tokhang o War on Drugs noong nakaraang administrasyon.
“Ang lahat po halos ng sinasabi ng Bise Presidente sa ngayon ay walang basehan, walang saysay, useless at nonsense. Maaaring ito ay kaniyang nasasabi out of frustration dahil ang kaniyang ama ngayon ay nililitis sa ICC,” ayon kay Castro.
Sa pahayag ni VP Sara sa naging pagdalo niya sa ikinasang “Free Duterte” rally ng Filipino community (FilCom) sa The Hague, Netherlands, noong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, hinambing niya sina Trillanes at PBBM bilang mga traydor daw sa Pilipinas at sa mga Pilipino.
“How do we characterize Trillanes and Marcos in relation to [the] ICC? Yes, they are traitors to the Filipino and to the country. But more than that, ang ICC ay tuta ni Trillanes at ni Marcos,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Because the ICC has no other case except for the case of President Rodridgo Duterte. And they found Marcos, Trillanes, and money in the Philippine case.”
Binigyang diin naman ni Castro na ang kaso sa ICC ni Digong Duteret ay matagal nanng sinimulan bago pa naging Pangulo ng bansa si Marcos Jr.
“Ang kaso na naisampa kay dating Pangulong Duterte ay noong taon pang 2017 habang si Pangulong Marcos Jr. noon ay isang ordinaryo at pribadong mamamayan lang. Hindi ito kasalanan ni Pangulong Marcos Jr. Tumutupad lang ang Pangulo sa batas,” aniya pa rin.
Aniya pa, ang responsibilidad para sa kaso ay nakabatay sa sariling aksyon at pag-amin ng dating Pangulo.
Sinabi pa ni Castro na maaaring frustrated o dismayado na si VP Sara kaya’t kung anu-ano na lamang ang sinasabi nito sa ICC lalo pa’t ang ICC ay “an impartial court” na hindi maaaring maimpluwensiyahan o matakot ninuman. (KRIS JOSE)