Home NATIONWIDE Pagbabantay sa Philippine Rise, pinaigting ng AFP

Pagbabantay sa Philippine Rise, pinaigting ng AFP

1
0

MANILA, Philippines – Pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabantay sa Philippine Rise (dating Benham Rise) upang maprotektahan ito laban sa mga posibleng panghihimasok.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bahagi ang Philippine Rise ng maritime domain na mino-monitor ng Philippine Navy.

“It is part of the area in our maritime domain that the Navy is monitoring,” aniya.

Hindi naman niya isiniwalat kung anong mga kagamitan ang ginagamit ng AFP sa pagbabantay dahil sa usaping pangseguridad.

Noong Miyerkules, binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagprotekta sa 13 milyong ektaryang Philippine Rise, na may malaking potensiyal sa marine biodiversity, pangisdaan, at yamang mineral at gas sa ilalim ng dagat.

Matatagpuan ang Philippine Rise 160 nautical miles silangan ng Luzon, sa tapat ng Isabela at Aurora, at may saklaw na 200-nautical mile continental shelf na umaabot pa ng 118 nautical miles lampas sa legal na hangganan ng continental shelf.

Ayon kay Teodoro, may mga plano nang palakasin at pagbutihin ang depensa sa lugar.

“Noong araw pa dapat yan,” aniya.

Sinang-ayunan ni Trinidad ang panawagang ito at sinabi niyang dapat protektahan ang Philippine Rise tulad ng ginagawa ng pamahalaan sa West Philippine Sea upang matiyak na mga Pilipino lamang ang makikinabang sa mga yaman nito.

“The shallowest part (of the Philippine Rise) is approximately 50 meters deep and it is believed to have mineral and gas deposits,” dagdag niya.

Noong 2012, kinilala ng United Nations, sa pamamagitan ng Commission on the Limits of the Continental Shelf, na ang Philippine Rise ay kabilang sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Unang naghain ng claim ang Pilipinas para sa lugar noong Abril 8, 2009. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here