Home NATIONWIDE Sinag: Consumers makikinabang sa rice price caps

Sinag: Consumers makikinabang sa rice price caps

MANILA, Philippine- Inihayag ni farmers group Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) Executive Director Jayson Cainglet nitong Sabado na mabebenipisyuhan ang consumers ng Executive Order (EO) 39 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagtatakda ng price cap na P41 kada kilo para sa regular rice at P45 kada kilo para sa well-milled rice.

“From the current retail of P60 (per kilo) it will now become P45 (per kilo), definitely the consumers will benefit here,” ani Cainglet.

 

Larawan kuha ni Danny Querubin

Idinagdag niya na sa kasalukuyan, ang umiiral na retail price para sa regular milled rice ay P52 kada kilo.

“The mere fact that you will bring down the regular and well-milled rice to P41 and P45, the benefit will be immediate,” patuloy niya.

Base kay Cainglet, magsisilbi rin umanong kompromiso ang P41 at P45 kada kilong price caps sa gitna ng posisyon ng ibang farmers’ groups na mataas pa rin ang price cap at oposisyon sa desisyon ng Pangulo na limitahan presyo ng staple food.

“Those who oppose (the price cap) are extreme; either they want to bring down the retail price further or want a higher retail price to increase the farmgate price of palay. So the P41 to P45 ceiling price is a compromise,” paliwanag niya.

Gayundin, pinabulaanan niya na kulang ang suplay ng bigas.

“Based on assurance of the millers and all in the industry, nobody is saying there is a shortage (of rice). There is probably hoarding and profiteering but not shortage,” paglalahad niya.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Inihayag niya na sa P41 hanggang P45 kada kilo ng bigas, kikita pa rin ang mga magsasaka dahil ang buying price ng palay ay papalo pa rin sa P23 at P25 kada kilo.

“Millers will compete to buy palay as local rice are cheaper compared to imported rice,” patuloy ni Cainglet.

Sabipa niya, dapat samantalahin ng National Food Authority (NFA) ang harvest season at bumili ng palay mula sa mga magsasaka.

“The real solution here is by harvest time, the NFA should buy palay as they will also earn. It is not true they suffer losses when procuring palay as they will also sell rice. The NFA can compete and buy at P22, P23 per kilo, that should be their buying price during the harvest time,” giit ni Cainglet.

Ipinag-utos ni Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang mahigpit na implementasyon ng mandated price ceilings, bantayan at imbestigahan ang abnormal price movements ng bigas sa pamilihan at tulungan ang mga apektadong retailer katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Epektibo ang rice price ceiling na P41 at P45 kada kilo sa Martes, Setyembre 5, 2023. RNT/SA