Home NATIONWIDE Sindikato sa likod ng pagawaan ng pekeng plaka tutugisin ng CIDG

Sindikato sa likod ng pagawaan ng pekeng plaka tutugisin ng CIDG

203
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes, Marso 16 na tinitingnan nito ang posibleng sindikato sa likod ng paggawa ng pekeng plaka.

“The plates you see being sold all around Metro Manila are only stores or depots,” sinabi ni CIDG Anti-Organized Crime Unit (AOCU) Chief Lt. Col. Dominick Poblete.

“The factory for these is outside Metro Manila, where they have machines that duplicate the plate numbers,” dagdag pa.

Ito ay kasunod ng pag-aresto ng mga operatiba ng CIDG AOCU at Land Transportation Office (LTO) sa limang lalaki sa C.M. Recto Avenue sa Santa Cruz, Manila sa pagbebenta ng mga pekeng plaka, driver’s license at official receipts.

Ayon kay Poblete, ang mga plaka na gawa ng limang suspek ay parehong-pareho sa official na plaka na tanging ang mga tauhan ng LTO lamang ang makakakita ng pagkakaiba.

Dagdag pa, sinabi ng mga inaresto na naniningil sila ng P350 hanggang P500 para sa plaka ng motorsiklo, at P3,000 hanggang P5,000 naman para sa plaka ng sasakyan na ipinadadala sa buyer sa pamamagitan ng courier.

“We found the database, actually… That’s why the subject of our follow-up operations is to recover the machine and apply for a search warrant wherever they are making them,” paliwanag ni Poblete.

Maghahain ng reklamo ang CIDG AOCU laban sa limang suspek sa falsification by private individuals at paggamit ng falsified documents maging ang mga paglabag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code; at RA No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here